Sa aking pag-iisa..
Aba! 9:28 na pala.. ano pa ba ang ginagawa ko dito sa opis?!? Nagpapakabayani?!? Ang tagal naman kasi ni Momon eh. Ang tagal akong sunduin. Pag tumatagal ka sa opis, lalo kang nilalapitan ng trabaho. Ayan, may nag-text. Si Momon na kaya ito?!? Sandali lang.. Ay! Hindi! Ang kapitbahay kong taga-Globe. Nagpapaalala na kailangan na daw kaming mag-meeting para sa Christmas Party ng subdivision. Hay! Ang Christmas Party! Bakit ba kasi nasama pa ako sa committee na yan?!? Wala lang kasi silang mautusan! At syempre, since bago lang ako sa lugar na yun.. pakikisama lang naman, kaya pumayag na rin akong mag-asikaso. Pero sa susunod na taon, hindi na siguro. Sinasabi ng mga may edad na doon, na dapat kami na daw mga bata ang mag-asikaso. Samantalang sila nang retired na at wala nang ginagawa ang may oras para sa mga ganitong bagay. Masakit na nga ang ulo ko, lalo pang sumakit. Sigh. Hmm.. ngayon, mukhang ako na lang mag-isa dito sa opis. Kanina, nandyan pa si Rica. Masipag din ang babaeng yun! Lagi kong nakikitang OT at ang aga rin pumasok. Si Art, parang wala na din. Tahimik. Wala naman sigurong multo dito. MAy mga nagkekwento na meron daw.. hmm.., baka guni-guni lang nila yun. Ok lang naman, wag lang silang magparamdam at magpakita. Hehehhe.. Sabi nga sa movie na Contact, "if it's just us, seems like an awful waste of space". Di lang para sa mga aliens yan, para sa mga multo na rin. Heheheh. Ang nakakaasar talaga eh yung mga sa palabas na tagalog. Yung mga multo na may bulak pa sa ilong! Nakakatawa kaya yun! Pero kung sakaling totoo, nakakatakot din no?!? Hmm.. nag-iisip talaga ako nang magagawa. Ayaw ko naman magtrabaho pa kasi masakit na ang ulo ko at kailangan ko nang pahinga. Tumingin-tingin ako ng mga blogs. Binasa ko yung kay jucyn, aba, maganda ang latest entry nya. Makabuluhan. Ang kay Ric naman, wala pa din. Ang tagal nyang mag-test ng blog! Hahahhaha! Kay Jopay naman, may bago syang entry. Tama sya, we should not work for the Bosses of this world, but for our Big Boss, the One who is looking at us from above. Tiningnan ko na din ang flickr site nya. Uy! prenups. Ang gaganda ng pictures nila ni Marvin. Ang sweet naman nila! Ay naku! Ang tagal naman talaga ng asawa ko! Naiinip na ako!! Ay teka, may phone call. Ayan na! Papunta na daw sya! Sya! Sya! Sige, sa wakas! Isang araw na naman ang lilipas. Ano kayang naghihintay sa akin bukas?!?
